Pag-Ibig na Walang Hanggan

Itong aking puso’y nasasaklaw
Ng iyong pag-ibig, aking giliw
At binibigyan itong kandili
Ng nag-iisa kong lakambini

Itong aking puso’y napupuno
Ng pag-ibig kong sumisilakbo
Ng pag-ibig na para sa iyo
Magunaw man itong ating mundo

Ikaw ang hele at ang musika
Ang liwanag ng buwan at istrelya
Nagbibigay sa’kin ng ligaya
Sa tuwing ika’y nakakasama

Itong pag-ibig ay isang ilog
Ito’y napupuno ng alindog
Karugtong ng dagat ng ‘yong puso
Na tatanggap ng aking pagsuyo

Itong sumpa ay ‘di tatalikdan
Na ikaw lamang magpakailanman
Anong pagsubok man ang dumaan
Itong pag-ibig ay ‘di iiwan

Ano nga ba ang hihilingin pa
Kundi ang ikaw ay makasama
Dadalhin kita sa aking mundo
Ang reyna ng aking palasyo

Ito’y itataga ko sa bato
Ako ay hindi na magbabago
Ikaw ay yayakapi’t hahagkan
Iibigin sa kawalang hanggan

© jpethoughts, ca.2010

One thought on “Pag-Ibig na Walang Hanggan

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: